Posted in Uncategorized

HULI (A spoken word poetry)

HULI
Trichi Joy Pring
Paano kung ito na ang huli?
Huling beses na masilayan ang iyong mga matang nagniningning na para bang bitwin?
Huling beses na mahagkan ka at sabihing mahal isa pa.
Para bang mahirap magulo, malabo, marami ng nag bago
Heto na nga ba ang huli?
Mga matamis mong ngiti hindi na masaksi
Mahigpit mong yakap di na madama
Matamis mong labi di na dumadampi Tanong sa aking isip kung may iba naba giliw o
o sabi ng isip, ako lang sabi ng dibdib
magulo, malabo
paano kung di pala tayo
paano kung pinagtagpo lang tayo para matuto
hindi ba parang mali pero ginawa ko kahit mali
lumaban ako kahit mahapdi
kahit puso ay nagdurugo sa mga pagbabagong pinapadama mo magulo.
Magulo na sinasabi mong mahal moko
pero wala sa pinapadama mo
magulo na para bang mga libro sa iyong kwarto na
hindi na kayang ayusin o basahin dahil ito’y naanay na
at nasanay na ako sa sakit
pero hindi ko kayang harapin ang huli
marami ng nagbago, pero mahal pangako
hahabulin parin kita.
Hahabulin parin kita kahit ikaw mismo ay lumalayo na.
Hahanapin parin kita kahit ikaw mismo ay nagtatago na.
Mamahalin parin kita kahit ikaw mismo ay suko na
Pero kung sapalagay mo mahal ay wala na, huli na, aalis kana
Dito lang ako maghihintay ng bagong simula na kasama parin kita
Hindi ako aalis, Susundan kita khit huli na.
Advertisements